Distance from Manila: more or less than 120 kms
How to get there:
Kung saan ka man mangagaling sa manila, simulan ko ang instructions ko sa north ng edsa o monumento. Diretsuhin mo lang ang mcarthur highway hanggang makarating ka ng tabang, guiguinto cloverleaf. Pag sapit mo ng tulay ng cloverleaf, kumanan ka sa pangalawang kakananan pa-malolos kasi yung una ay paNLEX (yari ka dun lalo pag hindi ka 400cc hehe). So ayun, pagpasok mo paikot na cloverleaf ay malolos na agad yun. Makikita mo naman may arko dun ng malolos. Basta diretsuhin mo lang, madadaanan mo ang calumpit tapos pampanga na agad pagsapit ng apalit. May dadaanan kang dalawang diversion road. Puro kanan ka lang. Pag nasa san fernando ka na at natanaw mo na ung flyover, kumanan ka tapos hanapin mo ung nearest u-turn slot sa kaliwa pa-guagua pampanga. Pag nasa lubao ka na, makakakita ka ng sign na "To Bataan" sa kanan pagkalagpas mo ng tulay. Yun yung Lubao-Bataan bypass road, mas mapapabilis kasi matao sa Jose Abad Santos Avenue(Main Road highway). Pwede mong pasukin pero pag nalampasan mo na ay ok lang. Pag dating mo sa layac, bataan, makikita mo ang WW2 monument marker, kumanan ka dun papuntang sbma via dinalupihan. Diretso lang hanggang sa sbma gate. Pagtawid mo sa sbma gate, magingat ka dahil strict traffic rules dito. Iwasang mag overtake, alam mo naman yun maayos na pagdadrive eh. Make your way to Morong Gate then after nun makakarating ka na ng bayan ng Morong.
Attractions
Our Lady of the Pillar Parish Church
Aba, magsimba naman kayo hindi yung puro kayo ride para lagi kayong ginagabayan at patawarin kayo sa mga kasalanan nyo hehe. Ang Our Lady of the Pillar Parish Church ay isa sa mga pinakamatandang simbahan dito sa Bataan. Sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw, pumupunta ang mga deboto nito, mga bakasyunista at dinadagsa ng mga riders ang Morong dahil sulit ang trip o ride nila.Pagbubulyos sa tuwing Mahal na Araw
Meron sa Morong na senakulo at bulyos o pagbubulyos na pinagkakaguluhan ng mga tao dahil makatotohanan ang senakulo at ibat ibang klase ang ginagawang pagpepenitensya kaya puro dugo ang makikita mo.Di ko na pinost yung mga may dugo at ibang ibang klase ng pagpepenitensya, baka manghina ang tuhod nyo pag nakita nyo.
Beach
Loleng's Hu Tieu-an
Noong Vietnam War, ang mga Vietnamese boat people ay tumakas sa Vietnam at napadpad dito sa Morong kaya naibahagi nila pati ang pagluto ng putahe nila. Ang Hu Tiue ay isang noodle dish na mabibili dito sa presyong mami lang! Tikman nyo din ung Banh Mi na baguette sandwich. Pasalamatan nyo nalang ako pag natikman nyo na. Matatagpuan ito sa Binaritan. Lahat ng tao dun alam ito. Dalawa ang tindahan ng hu tieu dun, magkalapit lang (Masarap din sa kabila hehe). Pwede nyo ito gawing pasalubong dahil kahit iinit sa bahay ay masarap pa din.
Pawikan Conservation Center
Madami kayong makikita at matututunan dito, Makikita ito sa Nagbalayong, Morong, Bataan. Bumaba lang kayo ng ibabaw, morong.
Kanawan Aeta Community and Hanging Bridge
Ipagtanong at hanapin ang BTPI, matutunton nyo na ito. Naririto ang Aeta Community na pwede nyong bahagian tuwing RFAC o Ride for a Cause. Papunta dito ay mayroong tourist attraction na hanging bridge at mababaw at malamig na ilog na pwedeng paliguan. Sa hanging bridge, idinadaan ang mga motor, matibay ito bawal lang sa mga rider na matataba! (joke bwahaha). Tested ko na ito, ilang motor na ang naidaan ko rito. Yung mga bigbike kailangan lang alalayan, kung makakalakad naman ay iwanan nalang ang bigbike bago mag tulay dahil makipot yung sa kabila ng tulay paahon, i-lock nyo lang maigi sa parking.
Offroad at River Crossing?
Night Ride
Night Ride? Bakit hindi? Testingin mo ang LED lights mo sa Subic-Morong. Karamihan sa punta at uwi ko galing dito ay gabi o di kaya naman ay madaling araw. Maganda ang daan ngunit huwag masyadong mabilis na 90+ dahil may mga kurbadang makikipot at may mga tumatawid na hayop o tao minsan.
Eto ang kuha ko mga alas-8 ng gabi sa dakong SBMA hanggang bungad ng morong. Papunta ako ng ibabaw, morong.
Eto ang kuha ko mga alas-8 ng gabi sa dakong SBMA hanggang bungad ng morong. Papunta ako ng ibabaw, morong.
Sidetrips
Kung may oras o time ka pa bago ka pumunta o kung ano pwede mong puntahan bago umuwi, eto ang listahan ng mga pwede mong puntahan o daanan:
- Bataan Nuclear Power Plant
- Bagac Filipino-Japanese Friendship Tower
- The Half-buried San Guillermo Parish Church - Bacolor, Pampanga
- Mt. Samat Shrine of Valor
- Royal Duty Free Subic
- Jest Camp
- Zoobic Safari
- SkyRanch Pampanga
- Ocean Adventure
Sa SBMA, habang binabagtas mo ang daan papunta sa Morong, makakakita o makakarinig ka ng ibat ibang huni ng hayop tulad ng mga unggoy (oo, totoong unggoy, hindi yung kakilala mong niloloko ka hehe) at mga ibon. Dumalang na ang dami ng unggoy na makikita mo sa daan dahil natakot na sa tao o di kaya naman ay hinuhuli ng mga poachers.
Maganda ang daan pero alalay lang sa banking o pag benking benking mo para sa kapakanan ng iba, huwag na huwag po magmamabilis o kumain / counterflow ng daan.



















Great photos to share! Great post!
ReplyDeleteKeith
Cloverleaf